133 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 133 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (June 10), 25,319 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,777 ang aktibo pang kaso.

112 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 23,472 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 70 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...