Natukoy na ng gobyerno ang 1,500 barangay sa bansa na itinuturing na ‘center of gravity’ ng COVID 19 pandemic at ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., bubuhusan ng bakuna laban sa nakakamatay na sakit.
Alinsunod na rin ito, aniya sa utos ni Pangulong Duterte na gawing prayoridad sa mga bakuna ang mga lugar na mataas ang bilang ng COVID 19 cases.
”Areas which have been identified as the most vulnerable to COVID-19 surges will also be given priority by the government in the vaccine deployment,” dagdag pa ni Galvez.
Ngayon buwan, nabanggit ni Galvez na may inaashan ang pagdating ng 2.279 Pfizer doses; isang milyong Sinovac doses at 100,000 Sputnik V doses.
Nangako din ang opisyal na bibigyan ng bakuna ang mga lokal na pamahalaan na lubos na nangangailangan ng mga ito.
Nagpahiwatig pa si Galvez na higit sa kalahati ng mga padating na bakuna ay daldalhin sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.