Bahay-bahay na pagbakuna, inihirit ni Sen. Bong Go sa LGUs

By Jan Escosio June 10, 2021 - 01:07 PM

MUNTINLUPA LGU PHOTO

Hinikayat na ni Senator Christopher Go ang lahat ng pamahalaang-lokal na dalhin na ang COVID 19 vaccines sa mga dapat nang mabakunahan sa priority groups.

Aniya kung kinakailangan na sa mga bahay na isagawa ang pagtuturok ng bakuna ay dapat ng gawin ito ng LGUs.

Binanggit ng senador na ang dapat mabakunahan sa bahay ay ang senior citizens na hirap na makapunta sa vaccination areas.

“Ang panawagan ko po sa mga LGUs na suyurin po. Kasi yung mga senior citizens natindi hindi nakakalabas, takot pong lumabas, takot mag-travel po papunta sa vaccination center,” sabi nito.

Napakahalaga aniya na matapos na ang pagbakuna sa priority groups para mapalawig na sa ibang grupo ang vaccination rollout.

Kasabay nito ang kanyang panawagan naman sa mga nasa priority lists ng huwag nang matakot sa bakuna dahil aniya ligtas ang mga ito at ito ang magliligtas pa sa buhay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.