Building sa South Korea bumagsak sa bus, siyam pasahero patay

By Jan Escosio June 10, 2021 - 12:51 PM
FACEBOOK PUBLIC PHOTO

Namatay ang siyam na pasahero at may walo pa ang malubhang nasugatan nang mabagsakan ng gumuhong gusali ang sinasakyan nilang bus sa lungsod ng Gwangju.

Nabatid na ang gusali ay ginigiba nang mangyari ang trahedya.

Samantala, ang lahat naman ng mga manggagawa sa gusali ay nailikas bago ito gumuho kasabay nang paghinto ng bus.

Inalis muna ang mga bahagi ng gusali na nagpabaon sa bus bago nahila ng rescue workers ang mga pasahero. Nagmistulang pinitpit na lata ang bus.

Hindi pa malinaw ang dahilan nang pagguho ng gusali at iniimbestigahan na ng awtoridad ang pangyayari.

Noong 1995, isang department store sa Souith Korea ang gumuho at nagresulta ito sa pagkamatay ng higit 500 katao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.