Limitadong libreng sakay sa MRT 3 ikakasa sa Araw ng Kalayaan

By Jan Escosio June 10, 2021 - 11:17 AM

Kasabay nang paggunita sa bansa ng Araw ng Kalayaan sa darating na Sabado, Hunyo 12, nag-alok ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay sa MRT 3.

Ayon sa pamunuan ng MRT 3, ang libreng sakay sa Sabado ay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at mauulit ng ala-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang Libreng Sakay sa Araw ng Kalayaan ay inanunsiyo ng MRT 3 sa kanilang Facebook account.

Sa Sabado ay ipagdiriwang sa bansa ang ika-123 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas at ang ikalawang sunod na taon na ginunita ito na may pandemya sa bansa.

Ang tema sa pagdiriwang ngayon taon ay, “ Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.