Sen. Nancy Binay ipinalalabas na sa IATF, DOH ang lahat ng nakaimbak na COVID 19 vaccines

By Jan Escosio June 10, 2021 - 10:26 AM

Ipinatotodo na ni Senator Nancy Binay sa Inter Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang lahat ng mga nakaimbak na COVID 19 vaccines.

Ito, ayon sa senadora, ay para matugunan ang matinding pangangailangan sa pagpababakuna sa economic frontliners na nasa A4 category.

“Ilarga na’t i-release yung lahat ng vaccines na nasa government storage facilities. Sayang yung panahon kung paghihintayin pa natin ang mga tao hanggang next week. By then, baka tinubuan na ng mga dahon ang bakuna bago makarating sa centers. Clearly, there should be no excuses,” diin ni Binay.

Aniya hindi katanggap-tanggap na magsasara ang ilang vaccination centers dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.

“As of this week, marami pang bakunang nakaimbak sa storage facilities ng DOH kaya parang ang hirap tanggapin na walang maibigay sa mga vaccination centers sa Maynila, Marikina at Antipolo. Habang mayroong di nailalabas sa warehouse at nakakarating sa tao ang bakuna, technically, it does not serve its intended purpose. May buhay na nakokompromiso,” katuwiran nito.

Nabatid na may halos isang milyong doses pa ng COVID 19 vaccines ang nakatago sa mga bodega ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.