Private chat sa pagtakbo ni Mayor Isko Moreno sa 2022 presidential race, peke

By Chona Yu June 10, 2021 - 10:13 AM

Pinabulaanan ng isang opisyal ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang kumalat na diumanoy private conversation nila ng isang reporter kung saan naibahagi niya ang pagkandidato ni Mayor Isko Moreno sa pagka-pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Sinabi ni Julius Leonen, ang namumuno sa Manila Public Information Office, na wala silang private chat ng sinasabing reporter.

Sa diumanoy pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Leonen na sasabak na sa presidential race si Moreno sa ilalim ng 1Sambayanan coalition.

Nakiusap pa diumano ang opisyal na panatilihing sekreto muna ang kanyang sinabi sa katuwiran na iaanunsiyo na rin naman ito ni Moreno sa tamang panahon.

Una nang inamin ni Moreno ang pagtakbo niya sa 2022 elections sa mas mataas na posisyon at hanggang doon lang ang kanyang sinabi.

Napabilang si Moreno sa mga ‘presidentiables’ ng 1Sambayanan, maging ng Malakanyang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.