Karagdagang 1M doses ng Sinovac COVID 19 vaccine dumating sa bansa

Karagdagang isang milyong doses ng COVID 19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ang dumating sa bansa.

Pasado alas-7 ngayon umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang eroplano ng Cebu Pacific na may bitbit ng mga bakuna.

Sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna na binili ng gobyerno sa Sinovac.

Una nang sinabi ni Galvez na bahagi ito ng halos limang milyong doses ng COVID 19 vaccines na inaasahang darating sa bansa ngayon buwan.

Kasabay ito nang pagsisimula na ng gobyerno sa pagbibigay proteksyon sa A4 category na binubuo ng ‘economic frontliners.’

Mamayang gabi, 2.2 million doses naman ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility ang darating din sa bansa.

Umaabot na sa higit 10 milyong doses ng Pfizer, Sinovac at Sputnik V ang binili at ibinigay sa bansa.

Hanggang sa Agosto, inaasahan na 40 million doses ng COVID 19 vaccines ang darating sa Pilipinas.

Read more...