CPP – NPA, hindi isusuko ang mga nakapatay kay FEU football star Keith Absalon, pinsan

By Jan Escosio June 10, 2021 - 08:28 AM

FILE PHOTO

Matigas at pinaninindigan ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army na hindi nila isusuko sa gobyerno ang mga rebelde na responsable sa pagkamatay ni FEU football player Keith Absalon at pinsan nitong si Nolven.

Sa inilabas na pahayag ng CPP sa kanilang website, tiniyak ng partido na may proseso sila para maiwasto ang pagkakamaling nagawa ng kanilang unit sa Masbate na humantong sa kamatayan ng mag-pinsan noong Hunyo 6.

Sinasabing mga miyembro ng Romulo Jallores Command at Jose Rapsing Command ng NPA ang mga nakapatay sa dalawa.

Inamin din ng CPP na may naging paglabag sa pandaigdigang batas ng digmaan, maging sa panloob na polisiya ng NPA, na pagbibibigay prayoridad sa buhay ng mga sibilyan sa lahat ng pagkakataon.

Kasabay nito ang kanilang pangako na babayaran nila ang mga naulila nina Keith at Nolven base sa pandaigdigang batas at bilang pagbibigay hustisya na rin ng kanilang partido at NPA.

Nabatid na ang mga gagawing hakbang ng partido sa mga nagkamaling miyembro ng NPA ay base sa kanilang mga sariling proseso, maging sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Inulan ng hamon at panawagan ang CPP – NPA na isuko ang mga nakapatay sa mga Absalon matapos ang pag-amin nila ng pagkakamali.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.