Filipino Cardinal Tagle binigyan ng karagdagang posisyon ni Pope Francis

By Jan Escosio June 10, 2021 - 07:38 AM
VATICAN PHOTO

Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Eastern Churches.

Dagdag ito sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of People’s o Propaganda Fide.

Ang karagdagang trabaho ni Cardinal Tagle ay unang inanunsiyo ng Catholic Bishop’s Conference of the Phils. (CBCP).

Ayon sa CBCP ang Congregation for the Eastern Churches ang sumusuporta sa lahat ng Eastern Catholic churches sa buong mundo at sumusuporta sa Latin-rite Catholoc dioceses sa Middle East.

Nakikipag-ugnayan ang Kongregasyon sa 23 Eastern Catholic churches para sa pamamahayag ng Mabuting Balita at pangangalaga sa buhay-ispirituwal ng mga bahaging komunidad.

Bukod sa dalawang posisyon, miyembro din ng Pontificial Council for Interreligious Dialogue and Administration ng Patrimony of the Apostolic See, ang sinasabing umaaktong central bank ng Vatican.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.