11 pang overseas Filipinos, tinamaan ng COVID-19

May 11 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 9, nasa 19,933 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,670 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Walo naman ang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,067 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,194 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,357 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,530 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 984 naman ang kaso sa Americas at 4,062 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...