Ilang accountants, nandaraya umano sa buwis-DOF

April 21, 2016 - 04:21 AM

 

financeKadalasang gumagamit ang mga taxpayers sa Metro Manila ng mga accountants para mabayaran ang kanilang mga buwis nang tama.

Ngunit ayon sa pinakahuling Tax Watch advertisement ng Department of Finance (DOF), ilan rin sa mga accountants na ito ay hindi pala nagbabayad ng tamang buwis.

Sa ad na inilabas noong Miyerkules, sinabi ng DOF na isa sa sampung accountants sa National Capital Region (NCR) ang nagdeklara ng zero income tax para sa taong 2014.

Base sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) 214 sa 1,944 o 11 percent ng nasabing kabuuan ng mga accountants, auditors at bookkeepers na naghain ng kanilang returns noong nakaraang taon ay walang binayarang tax.

Ipinunto pa ng DOF na may isang accountant sa Quezon City na kumikita ng P1 milyon pero ang binayaran lamang na income tax ay P25.

Isa pang accountant sa Quezon City ang nagbayad lang ng P198, habang isa mula sa Pasay City ay nagbayad lang ng P336 at P989 naman para sa isang accountant sa Maynila.

Paalala naman ng DOF na ang mga hindi nagbabayad ng kanilang buwis ay isang abala para sa mga nagbabayad.

Ayon pa sa Tax Watch, isa sa sampung lawyers sa Cebu, Davao, Makati at Quezon City ang hindi nagbayad ng buwis noong nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.