BIR, kumilos laban sa ilegal na produksyon ng mga sigarilyo
Sasampahan ng mga kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga nasa likod P544 milyong halaga ng pekeng tax stamps ng mga sigarilyo sa Bacolod City.
Sa ulat kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, 15 milyong piraso ng fake internal revenue stamps ang nakumpiska sa isang bodega at sa tatlong truck sa Barangay Tangub sa Bacolod City noong Mayo 4.
May nakumpiska ring mga materyales sa paggawa at pagpakete ng mga sigarilyo.
Pag-aaralan din kung may iba pang maaring maisampang kaso kaugnay sa naging operasyon.
Samantala, sa hiwalay na operasyon sa Angeles Industrial Park sa Pampanga, nadiskubre ng mga tauhan ng BIR ang 3,068 cigarette mastercases sa pasilidad ng GB Global Exprez Inc.
Kasabay nito, iniulat din kay Dominguez ang pagpapasara ng BIR sa 83 establismento at nakolektang P737.28 milyon noong nakaraang Abril sa pagpapatupad ng kawanihan ng Oplan Kandado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.