Mga rebelde na nakapatay kay FEU varsity player Keith Absalon, ipinasusuko sa NPA

By Jan Escosio June 09, 2021 - 05:25 PM

Inquirer file photo

Hinamon ni Interior Secretary Eduardo Año ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) na isuko sa awtoridad ang mga nakapatay kay FEU football star Keith Absalon at sa pinsan nito sa Masbate City.

Ginawa ni Año ang hamon matapos aminin ng CPP – NPA na sila ang nakapatay sa dalawa.

“Now that the CPP/NPA has accepted full responsibility for the senseless murder, it now becomes their duty to turn over the terrorists responsible for the deaths so that justice maybe served to their families and loved ones,” diin ng kalihim.

Iginiit pa ni Año na hindi sapat ang pag-amin sa maling nagawa at ibaon na lang sa limot ang trahedya.

“The ends of justice require that those responsible must be held accountable for their crimes against the people under the laws of the Republic of the Philippines,” aniya.

Dagdag pa ng opisyal, hindi dapat pagkatiwalaan ng publiko ang pangako ng NPA na masusi nilang iimbestigahan ang pangyayari at sila na ang magbibigay ng hustisya sa pagkamatay ng mga biktima.

TAGS: eduardo año, Inquirer News, Kieth Absalon, Nolven Absalon, Radyo Inquirer news, eduardo año, Inquirer News, Kieth Absalon, Nolven Absalon, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.