Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta Park, bubuksan na sa June 11

By Chona Yu June 09, 2021 - 05:23 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Bubuksan na sa Biyernes, June 11, ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta Park sa Maynila.

Nabatid na ang field hospital ay mayroong 336 bed capacity.

Aabot sa P154 milyon ang inilaang pondo para sa ospital.

Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsimula ang konstruksyon noong Mayo.

Pinagsumikapan aniya ng lokal na pamahalaan na matapos ang konstruksyon sa loob ng dalawnag buwan dahil sa matinding pangangailangan ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Kung nagawa aniya ng China o ng ibang bansa ang agarang pagpapatayo ng ospital, kaya rin ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

TAGS: Inquirer News, Manila COVID-19 Field Hospital, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Manila COVID-19 Field Hospital, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.