BREAKING: COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa 1.28-M; 5,462 ang nadagdag

Mahigit 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (June 9), pumalo na sa 1,286,217 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 54,000 o 4.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,462 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

92.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.0 porsyento ang asymptomatic; 1.22 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 126 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 22,190 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,854 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,210,027 o 94.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...