Mayoral bet ng Sorsogon, patay sa atake sa puso

 

Patay ang kandidato sa pagka-alkalde ng Sorsogon City matapos itong atakehin sa puso.

Bagamat nadala pa sa pagamutan, hindi pa rin nagawang maisalba ng mga doktor ang buhay ni dating Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda, 63 taong gulang.

Si Dioneda ay tumatakbong alkalde sa lungsod sa ilalim ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban at naging mayor ng Sorsogon City noong 2007 hanggang 2013.

Dati itong kasapi ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) na nanguna sa blocking force sa Legazpi City Airport sa kasagsagan ng 1986 People Power Revolution.

Ayon sa ulat, natagpuan na lamang ito ng kanyang mga kaanak na walang malay sa loob ng kanilang tahanan Martes ng gabi.

Agad itong dinala sa Sorsogon Medical Mission group Hospital ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay.

Read more...