Ilang tindahan sa San Juan City, may alok na discount sa mga nabakunahan vs COVID-19
Magandang balita sa mga nabakunahan na kontra COVID-19.
Ito ay dahil sa nag-aalok ng discount ang shopping center at iba pang tindahan sa San Juan para sa mga naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, kinakailangan lamang na iprisinta ng vaccination card bilang pagpapatunay na nabakunahan na ang isang indibiduwal.
Hindi naman matukoy ni Zamora kung hanggang magkano ang discount. Bahala na raw kasi aniya ang mga may-ari ng tindahan kung magkano ang ibibigay na discount.
Ayon kay Zamora, inaanunsyo niya sa kanyang official facebook account ang mga tindahan na nag-aalok ng discount.
Kasabay nito, sinabi ni Zamora na lalagyan din ng lokal na pamahalaan ng seal ang mga tindahan na bakunado na ang kanilang mga manggagwa.
Mahalaga kasi aniya na mabuhay na ang ekonomiya ng bansa na pinadapa ng pandemya.
Ayon kay Zamora, maaring bakunahan sa San Juan kahit na hindi ang mga residente bastat nagtatrabaho o nag nenegosyo sa lungsod.
Sa ngayon, halos 33,000 o 39 porsyento ng target population na ang nabakunahan sa San Juan.
Nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga nasa A1 priority list o ang health workers, A2 periotiy list o ang mga senior citizen, A3 o ang mga may comorbidities.
Miyerkules ng umaga, June 9, sinimulan ang pagbabakuna sa A4 priority list o ang frontline workers.
Dumalo sa pagbabakuna sina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Dizon, nasa 6.4 milyon na ang nabakunahan sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, nasa 1.6 milyon ang fully vaccinated.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.