92,596 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa India

Reuters photo

Umabot sa halos 100,000 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Base sa huling datos ng health ministry, nasa 92,596 ang bagong COVID-19 cases sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, sumampa na sa 29.1 milyon ang kabuuang kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing bansa.

Samantala, 2,219 katao naman ang nasawi kung kaya umabot na sa 353,528 ang COVID-19 related deaths.

Read more...