Senior citizens pinaalahanan na magpaturok ng second dose ng COVID 19 vaccine

By Jan Escosio June 09, 2021 - 12:28 PM

Umapila si Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes sa mga senior citizens na nakatanggap na ng first dose ng COVID 19 vaccine na huwag kalimutan ang second dose ng bakuna.

Ginawa ni Ordanes ang apila base sa pahayag na higit isang milyong naturukan ng first dose ang hindi na nagpaturok ng kanilang second dose.

Base sa datos na inilabas ng IATF kabilang sa mga sumamblay sa kanilang second dose ay mga senior citizen.

“Importante po ang second dose  mga minamahal kong seniors para ganap tayong maproteksyonan  sa panganib ng COVID 19. Kung magmimintis man po kayo sa takda ninyong schedule ay wga po kayong mag-alala dahil sabi mismo ng DOH ay maari pa rin kayong magpabakuna ng second dose basta bumalik lang po kayo,” ang apila ni Ordanes.

Pagdidiin niya, napakahalaga na fully vaccinated ang mga nasa priority groups sa katuwiran na ito ang magiging daan para muling mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito ang pag-apila ng namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens sa gobyerno na payagan na ang mga fully vaccinated seniors na makalabas na ng kanilang bahay.

“Kung yung iba nga na hindi pa nababakunahan, may comorbidity man o wala ay nakakalabas na e bakit naman ang mga fully vaccinated seniors na nagtiwala sa siyensiya ng pagpapabakuna at sumusunod sa health protocols ay pinagbabawalan na makalabas,” ang depensa ni Ordanes para sa mga nakakatanda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.