Pagtaas ng jobless rate sa bansa itinuro sa pagpapatupad ng ECQ, MECQ

By Jan Escosio June 09, 2021 - 08:04 AM

Inaasahan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Abril.

Sinabi ni Bello na batid nila na marami ang nawalan muli ng trabaho nang ipatupad muli ang enhanced community quarantine (ECQ) sa huling bahagi ng nakaraang Marso at pinalitan lang ito ng modified ECQ noong Abril.

Reaksyon ito ng kalihim sa Labor Force Survey noong Abril na umakyat sa 8.7 porsiyento o 4.138 milyon ang nawalannng trabaho kumpara sa 7.1 milyon o 3.441 milyon noong Marso.

Nangangahulugan na higit 700,000 libo ang nawalan ng trabaho sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan, na bumubuo sa tinatawag na NCR Plus.

Kasabay nito, maging ang underemployed rate ay tumaas din ng 118,000.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.