Kris Aquino, pwedeng mag-presidential chopper-Palasyo

 

Mula sa FB/Municipality of Dalaguete

Walang nakikitang masama ang Malacañang kung sumakay man ng presidential helicopter ang mga kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang tugon ng Malacañang sa paglutang ng mga larawan kung saan makikitang pasakay ng presidential helicopter ang bunsong kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino.

Ang naturang larawan ay umani ng batikos sa social media at mula sa mga kritiko ng administrasyon na nagsabing ginagamit ng Pangulo ang public funds upang ikampanya ang standard bearer ng Liberal Party na sina Mar Roxas at Leni Robredo.

Giit naman ni Communications Secretary Herminio Coloma, miyembro ng ‘immediate family’ ng Pangulo ang kapatid nito.

Dahil dito, may  karapatan silang sumakay sa presidential chopper kasama ang Presidente.

Read more...