Mas magaan na biyahe, pangako ng SMC sa pagtatayo ng MRT-7

By Kathleen Betina Aenlle April 21, 2016 - 12:20 AM

 

Ramon AngBukod sa mabilis at magaan na biyahe, pangako rin ng San Miguel Corp. (SMC) sa pagpapatayo nila ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) ang mas malawak na oportunidad para sa mga pasahero at mamamayan.

Sa talumpati ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang sa groundbreaking ceremony ng MRT-7, buong pagmamalaki niyang inilahad na layon ng bagong linya ng MRT ang mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga mamamayan.

Mas marami na kasing mapagpipiliang mode of transportation ang mga manggagawa sa tuwing sila ay pumapasok sa trabaho.

Mabibigyan rin ng mas maayos na access ang mga mamamayan sa edukasyon at kalusugan dahil mababawasan na ang oras na dadanasin nilang trapiko habang nasa biyahe.

Higit sa lahat, matutulungan rin ng bagong linya ng MRt ang mga senior citizens at mga persons with disabilities na makapabyahe nang mas malaya.

Oras kasi na matapos na ang pagsasagawa ng MRt-7, magiging 30 minutos na lamang ang end-to-end na bihaye mula sa North Avenue, Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Ang proyektong ito ay may kaakibat rin na road component na may habang 23-kilometro na magsisimula sa Balagtas Interchange ng NLEx hanggang sa intermodal terminal sa San Jose Del Monte.

Maaring gamitin ng mga provincial buses ang rutang ito para na rin matulungang lumuwag ang trapiko sa EDSA.

May dugtong din ang MRT-7 papunta sa MRT-3 at LRT-1 para sa mas tuluy-tuloy na biyahe.

Nasa 800,000 na pasahero ang target na serbisyuhan ng MRT-7 araw-araw, at ang lahat ng ito ay ibinida ni Ang sa harap ni Pangulong Aquino na dumating rin sa nasabing seremonya.

SMC ang magiging bahala sa financing, design, construction, operation at maintenance ng nasabing proyekto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.