Base sa outage tracking website na Downdetector.com, kabilang sa mga website na nakaranas ng problema ay Reddit, Amazon, CNN, Paypal, Spotify at New York Times were listed as experiencing problems by , although several appeared to be coming back up.
Sa ngayon, makikita sa outage tracking website na unti-unti nang nakakabalik ang ilang website.
Nag-tweet din ang attorney general ng United Kingdom na nagkaroon din ng problema ang main gov.uk website kung kaya nagbigay sila ng email para sa mga katanungan.
Sa ngayon, hindi pa makumpirma kung ano ang pinagmulan ng outage.
Ayon sa Downdetector.com, nasa 21,000 Reddit users ang nag-report ng problema sa naturang social media platform, habang humigit-kumulang 2,000 users ang nag-report ng problema sa Amazon.
Apektado rin ng outage ang Twitch ng Amazon.
Maging ang ilang news outlets tulad ng Financial Times, Guardian, New York Times at Bloomberg News ay hindi nakatakas sa outages.