Ilang social media, website apektado ng internet outage

By Angellic Jordan June 08, 2021 - 07:38 PM

Tinamaan ng malawakang internet outage ang ilang social media, government at news websites sa buong mundo.

Base sa outage tracking website na Downdetector.com, kabilang sa mga website na nakaranas ng problema ay Reddit, Amazon, CNN, Paypal, Spotify at New York Times were listed as experiencing problems by , although several appeared to be coming back up.

Sa ngayon, makikita sa outage tracking website na unti-unti nang nakakabalik ang ilang website.

Nag-tweet din ang attorney general ng United Kingdom na nagkaroon din ng problema ang main gov.uk website kung kaya nagbigay sila ng email para sa mga katanungan.

Sa ngayon, hindi pa makumpirma kung ano ang pinagmulan ng outage.

Ayon sa Downdetector.com, nasa 21,000 Reddit users ang nag-report ng problema sa naturang social media platform, habang humigit-kumulang 2,000 users ang nag-report ng problema sa Amazon.

Apektado rin ng outage ang Twitch ng Amazon.

Maging ang ilang news outlets tulad ng Financial Times, Guardian, New York Times at Bloomberg News ay hindi nakatakas sa outages.

TAGS: Inquirer News, internet outage, major internet outage, Radyo Inquirer news, Inquirer News, internet outage, major internet outage, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.