Habagat, ITCZ magdadala ng pag-ulan sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Apektado pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat ang malaking bahagi ng bansa, lalo na ang buong Luzon at Kanlurang bahagi ng Visayas, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila, Central Luzon, Western Visayas, Pangasinan, Cavite, Batangas, Palawan, at Mindoro provinces bunsod nito.

Umiiral naman ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa nalalabing parte ng bansa.

Magiging maaliwalas ang panahon ngunit malaki aniya ang tsansa na makaranas ng ulan dulot ng thunderstorms.

Read more...