Lumang CCTV cameras sa MRT-3 depot, napalitan na

By Angellic Jordan June 08, 2021 - 04:03 PM

Photo grab from DOTr MRT-3 Facebook video

Napalitan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang lumang units sa depot nito.

Ito ay bahagi pa rin ng malawakang rehabilitasyon sa MRT-3, alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Natapos mailagay ang 10 bagong high-resolution CCTV cameras sa iba’t ibang lugar sa depot noong May 26.

24 oras gumagana ang mga bagong CCTV camera na nagsisilbing mata ng pamunuan upang mabantayan ang seguridad sa depot.

Sinabi rin ng pamunuan ng MRT-3 na sa pamamagitan nito ay mas matututukan ang operasyon ng mga tren, tulad ng sa pagsalang ng mga tren sa main line, insertion, at turnback.

TAGS: Inquirer News, MRT 3, MRT-3 CCTV cameras, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news, Inquirer News, MRT 3, MRT-3 CCTV cameras, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.