Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ang flight diversion hanggang June 12, 2021.
Ayon kay Roque, layunin nitong maayos ang pagpapatupad ng Inter-Agency Task Force arrival policy sa Cebu.
Matatandaang ipinag-utos ng Office of the Executive Secretary ang diversion ng mga biyahe ng eroplano pa-Mactan Cebu patungong NAIA mula May 29 hanggang June 5, 2021.
Ito ay dahil sa ilang isyu kabilang na ang umano’y kakulangan ng quarantine hotels para sa mga dumarating na pasahero sa lalawigan.
Nagkausap na rin sina Pangulong Duterte at Cebu Gov. Gwendolyn Garcia hinggil sa ibang protocols na ipinatutupad ng Cebu Provincial Government sa mga dumarating na pasahero sa lalawigan at hiningi ang komento rito ng Department of Health (DOH) subalit wala pang update hinggil dito ang Palasyo.