Diversion ng inbound int’l flights sa Mactan-Cebu Airport patungong NAIA, pinalawig pa

By Chona Yu June 08, 2021 - 01:55 PM

Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diversion ng mga inbound international flight na palapag sa Mactan Cebu International Airport patungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ang flight diversion hanggang June 12, 2021.

Ayon kay Roque, layunin nitong maayos ang pagpapatupad ng Inter-Agency Task Force arrival policy sa Cebu.

Matatandaang ipinag-utos ng Office of the Executive Secretary ang diversion ng mga biyahe ng eroplano pa-Mactan Cebu patungong NAIA mula May 29 hanggang June 5, 2021.

Ito ay dahil sa ilang isyu kabilang na ang umano’y kakulangan ng quarantine hotels para sa mga dumarating na pasahero sa lalawigan.

Nagkausap na rin sina Pangulong Duterte at Cebu Gov. Gwendolyn Garcia hinggil sa ibang protocols na ipinatutupad ng Cebu Provincial Government sa mga dumarating na pasahero sa lalawigan at hiningi ang komento rito ng Department of Health (DOH) subalit wala pang update hinggil dito ang Palasyo.

TAGS: flight diversion, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news, flight diversion, Harry Roque, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.