Bilang ng mga nawalan ng trabaho noong Abril, pumalo sa 4.14 milyon

By Chona Yu June 08, 2021 - 10:54 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Abril kumpara noong Marso 2021.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, pumalo sa 4.14 milyon ang nawalan ng trabaho noong Abril. Mas mataas ito sa 3.44 milyon na naitala noong Abril.

Ayon sa PSA, naitala ang bilang ng mga nawalan ng trabaho nang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine at  modified enhanced community quarantine noong Abril sa National Capital Region Plus o Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Nabatid na ang unemployment rate na naitala noong Abril ang ikalawang pinakamataas na record ng mga nawalan ng trabaho mula noong Hulyo 2020 na nakapagtala ng 15.8 percent ng unemployment rate.

 

 

TAGS: psa, unemployment, walang trabaho, psa, unemployment, walang trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.