COVID-19 vaccinations sa A4 priority list, isasagawa sa apat na malls sa Maynila

By Chona Yu June 08, 2021 - 10:39 AM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Sinimulan na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga nasa A4 priority list o ang mga essential workers.

Sa abiso ni Manila Mayor Isko Moreno, gagawin ang pagbabakuna sa apat na malls sa Maynila.

Kabilang na ang pagbabakuna ng 750 doses sa SM Manila, 750 doses sa SM San Lazaro, 750 doses sa Robinsons Place Manila at 750  doses sa Lucky Chinatown.

Ayon kay Mayor Isko, kinakailangan lamang dalhin ang valid ID at QR code of verification ng schedule ng pagpapabakuna.

Ito ang first dose para sa mga nasa A4 priority list.

 

TAGS: COVID-19, Isko Moreno, Lucky Chinatown, robinsons place manila, SM Manila, SM San Lazaro, vaccine, COVID-19, Isko Moreno, Lucky Chinatown, robinsons place manila, SM Manila, SM San Lazaro, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.