Extension ng Bayanihan 2 mas maaring makabuti kaysa ipasa ang Bayanihan 3 – Sotto

By Jan Escosio June 08, 2021 - 09:30 AM

 

Mas malaki ang posibilidad na palawigin na lang hanggang sa katapusan ng taon ang Bayanihan to Recover as One Act kaysa ipasa ang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3.

Ito, ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang maaring gawin ng mga senador sa halip na aprubahan ang ipinasa ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Katuwiran ni Sotto, nangangailangan ng halos kalahating trilyong pisong pondo ang Bayanihan 3, ngunit diin niya malaking halaga pa ng nailaan na pondo sa Bayanihan 2 ang hindi pa nagagalaw ng mga kinauukulang ahensiya.

Isa aniya sa pinag-iisipan ng mga senador ay kung saan huhugutin ang pondo ng Bayanihan 3 gayung bigo ang gobyerno na lubos na mapakinabangan ang pondo ng Bayanihan 2.

Dagdag na puna pa ng mga senador, aniya, ay ang mabagal na pagpapalabas ng tulong-pinansiyal sa mga benepisaryo base sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

 “I think we will select to extend Bayanihan 2 to December 2021, instead of it expiring in June. Let’s extend Bayanihan 2 before we indulge in Bayanihan 3,” sabi ni Sotto sa isang panayam.

Kabilang aniya sa mabagal na maibigay ang mga tulong sa mga estudyante, PUV drivers at health workers na tinamaan ng COVID 19.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance, ilan lang sa mga ahensiya na nabigo na agad mailabas ang pondo ay ang Departments of Education, Transportation, Agriculture, at Health and the Small Business Corporation (SB Corp).

Aniya halos P20 bilyon pa ang hindi naibibigay ng mga naturang ahensiya sa mga dapat na benipesaryo base sa nakasaad sa Bayanihan 2.

TAGS: Bayanihan 3, Vicente Sotto III, Bayanihan 3, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.