Congressional recognition kay Filipina golfer Yuka Saso inihirit ng isang partylist solon
Naghain ng resolusyon sa Mababang Kapulungan si Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes para kilalanin ang pagkakawagi ni Filipina golfer Yuka Saso sa US Women’s Open.
Sa inihain ni Ordanes na House Resolution 1852, nais niya na mabigyan ng Congressional recognition si Saso.
“Magiging bahagi na ng sports record books ang pagkakapanalo ni Yuka Saso bilang unang Filipino na nanalo sa isang international major golf tournament,” diin ng mambabatas, na isang golf enthusiast.
Dagdag pa ni Ordanes; “Her historic win effectively puts the Philippines on the world’s golfing map, and will inspire more Filipinos to pursue golf as a sports or hobby.”
Nasungkit ni Saso ang US Women’s Open sa torneo sa California at itinuturing siya na pinakabatang nakuha ang titulo sa edad na 19.
Ang tubong-San Ildefonso, Bulacan ay natutong maglaro sa Northwoods Golf and Country Club sa San Rafael, Bulacan.
Nakasungkit siya ng dalawang gintong medalya sa nakalipas na 2019 Asian Games at dalawang beses din nanalo sa Japan’s Ladies Professional Golf Asso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.