Pagkakatakas ng isang preso at pagpatay sa isa pa sa Bilibid sisilipin ng DOJ

By Jan Escosio June 08, 2021 - 08:04 AM

 

Ngayon araw ay inaasahan na magpupunta si Justice Undersecretary Deo Marco sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City para personal na alamin ang detalye sa pagtakas ng isang preso noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Marco na humingi na siya ng ulat hinggil sa insidente maging sa gulo na kinasasangkutan ng apat na preso.

Kinilala ang ang nasawing preso na isang Edgardo Austria, na nakakulong sa Minimum Security Compound

Diumano sinamantala ni Austria para tumakas ang pagsasagawa ng search operation ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa mga selda sa loob ng maximum at medium security compounds.

Unang nakarating kay Justice Secretary  Menardo Guevarra ang nangyaring kaguluhan na nagresulta sa pagkamatay ng isang preso.

Aniya humingi na siya ng detalyadong ulat ng insidente para na rin malaman kung may naging kapabayaan sa bahagi ng mga opisyal at tauhan ng Bucor.

Ang dalawang insidente ay nangyari noong Hunyo 1, araw ng Martes.

TAGS: Edgardo Austria, Justice Undersecretary Deo Marco, National Bilibid Prisons, Edgardo Austria, Justice Undersecretary Deo Marco, National Bilibid Prisons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.