Kabiguan ng DOE, ERC na maipatupad ng husto ang EPIRA Law nais maimbestigahan sa Senado

By Jan Escosio June 08, 2021 - 07:59 AM

Senate PRIB photo

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan sa Senado ang kabiguan ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno na maipatupad ng husto ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law.

Sinabi ni Hontiveros dapat ay bumaba ang halaga ng kuryente sa batas ayon sa batas na dalawang dekada ng umiiral.

Bukod pa dito, base sa inihain niyang Senate Resolution No. 746 layon nito na malaman ang mga pagkukulang at kabiguan ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na matiyak ang pagkakaroon ng de-kalidad, maaasahan at seguridad sa suplay ng kuryente.

Sa pamamagitan din ng naturang resolusyon ay malalaman kung uubra na maibaba ang halaga ng kuryente hanggang sa P2 per kilowatt hour sa pamamagitan ng kombinasyon ng ibat-ibang pamamaraan.

“Sa taon-taon na lang na may banta at aktwal na nangyayaring rotational blackouts at patuloy na pagtaas ng electricity rates, tila napako na ang pangako ng EPIRA na makapagbigay ng murang kuryente at maayos na serbisyo para sa bawat Pilipino,” sabi ng senadora.

Pagdidiin ni Hontiveros kailangan na malaman kung may nagpapabaya kayat hindi napapakinabangan ng husto ng milyong-milyong konsyumer ang batas.

Nabatid na ang halaga ng kuryente sa bansa ay mas mataas ng 30 porsiyento kumpara sa mga kapitbahay na bansa na miyembro ng ASEAN.

TAGS: epira law, erc, Kuryente, Risa Hontiveros, epira law, erc, Kuryente, Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.