Pangulong Duterte nababahala sa hindi tamang pagtatapon ng medical waste
Nababahala na si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi tamang pagtatapon ng medical waste na ginagamit ngayong panahon ng pandemya sa COVID-19.
Halimbawa na ang mga nagkalat na face mask, face shield, personal protective equipment (PPE), karayom at iba pang gamot na ginagamit kontra COVID-19.
Sa Talk to the People, nakiusap ang Pangulo sa publiko na ibigay ang mga basura sa mga basurero dahil sila ang higit na nakaalam kung paano itatapon ang medical waste.
Inihalimbawa pa ng Pangulo na mayroong isang nurse na ibinaon lamang ang basura sa baybaying dagat.
Pangulong Duterte nalulungkot sa pagdami ng basura sa panahon ng pandemya sa COVID-19
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nakalulungkot na lalo pang dumami ang basura sa panahon ng pandemya sa COVID-19.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng paggunita sa World Environment Day.
Ayon sa Pangulo, ang pagdagsa ng delivery services ang dahilan ng pagdami ng solid waste.
Nababahala rin ang Pangulo sa hindi tamang pagtatapon medical waste na ginagamit ngayong panahon ng pandemya.
Ayon sa Pangulo, may mga natatanggap siyang ulat sa hindi tamang pagtatapon ng basura gaya halimbawa ng mga gace mask, face shield, karayom, personal protection equipment o ppe at iba pa.
Pakiusap ng Pangulo, ibigay sa mga basurero ang medical waste dahil sila ang higit na nakaaalam kung paano ang tamang pagtatapon ng basura.
“Alam mo itong mga medisina na ito eh babaon ito. I remember one time when I was mayor, parang isang nurse diyan lang sa Talomo area sa beach, doon siya naghukay doon sa sand at doon niya inilibing. That is not the proper way to do it. You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero. Alam nila kung ano na ang gawin nila,” pahayag ng Pangulo
Kasabay nito, nalulungkot din ang Pangulo sa pagdagsa ng basura dahil sa mga food at non-food delivery.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paggunita ng World Environment Day
“The global community celebrated World Environment Day to promote greater commitment to care for our planet. Sadly, however, the COVID-19 crisis has also given a rise to plastic waste and pandemic. The popularity of delivery of services has produced considerable solid waste such as the delivery of packaging of both food and non-food products. Also, a serious concern is the proper disposal of medical waste. There have been several reports of poor disposal,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.