Ecuador, muling niyanig ng lindol

By Mariel Cruz April 20, 2016 - 07:24 PM

ecuadorNiyanig ng 6.2 magnitude na lindol ang Ecuador ngayong araw ng Miyerkules.

Ito na ang pangalawang lindol na nagpayanig sa Ecuador ilang araw lamang ang nakalilipas simula nang tumama ang 7.8 magnitude noong Sabado na ikinasawi ng mahigit 500 katao.

Batay sa report ng Pacific Tsunami Warning Center, may lalim na 10 km ang naturang pinakabagong lindol na tumama sa 70 km o 44 miles ng Esmeraldas town.

Naramdaman ang dalawang malakas na pagyanig na tumagal ng 30 segundo sa Cojimies.

Ngunit hindi naman ito naramdaman sa Quito capital kung saan napaulat na tumama ang unang lindol na 7.8 magnitude noong Sabado.

Bagaman walang naiulat na tsunami warning, nakapagtala naman ito ng ilang serye ng after shocks ayon sa Geophysical Institute ng Ecuador.

Dahil sa unang malakas na lindol na tumama sa Ecuador noong Sabado, umabot sa 525 ang namatay habang mahigit isanlibo ang patuloy na pinaghahanap.

Daang-daan bahay naman at ilang kalsada ang nasira dahil sa naturang lindol.

TAGS: Another quake hits Ecuador, Another quake hits Ecuador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.