Occidental Mindoro Gov. Gadiano, positibo sa COVID-19
Nagpositibo si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano sa COVID-19.
Sa Facebook, inanunsiyo ng gobernador na positibo ang lumabas na resulta sa kaniyang RT-PCR swab test sa araw ng Lunes, June 7.
Mayroon aniya siyang nararamdamang ilang sintomas ng nakakahawang sakit tulad ng ubo, panghihina ng katawan at lagnat noong Sabado, June 5.
Dahil dito, agad aniyang siyang nagpakonsulta at nag-isolate.
Ani Gadiano, nakasailalim na rin sa isolation at nakahanda para sa swab testing ang kaniyang mga kasamahan upang malaman ang kanilang kalagayan.
Hinikayat naman nito ang mga nakasalamuha noong June 3 at 4 na sumunod sa health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
“Naniniwala po ako na kasama ang inyong mga dasal at sa gabay ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ang pagsubok na ito,” pahayag nito.
Hinikayat din nito ang publiko na patuloy na tumalima sa health protocols at suportahan ang mga frontliner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.