Valderrama, Antique niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Antique, Lunes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 5 kilometers Southwest ng Valderrama dakong 7:49 ng gabi.
May lalim ang lindol na 10 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 3- San Jose de Buenavista, Antique
Instrumental Intensity:
Intensity 4 – Valderrama, Antique
Intensity 3 – San Jose de Buenavista, Antique
Intensity 2 – Culasi, Antique
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.