Pamamahagi ng pondo para sa mga apektado ng El Niño, ipinanawagan ni Francis Tolentino
Nanawagan si senatorial candidate Francis Tolentino na magdeklara na ng state of national calamity si Pangulong Noynoy Aquino dahil sa malawakang epekto ng El Niño sa bansa.
Ito ay upang makapaglabas na rin agad ng dagdag na pondo na aayuda sa mahigit 120,000 na magsasakang lubos na naaapektuha ng drought o tagtuyot bunsod ng El Niño.
Ayon kay Tolentino, pwedeng gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund kapag nagdeklara na ng state of national calamity ang pangulo.
Ngunit pinuna ni Tolentino ang masalimuot na proseo sa pagpapalabas ng pondo ng gobyerno dahil panahon ngayon ng kampanya.
Kailangan muna aniya na humingi ng exemption mula sa Comelec ang mga lokal na opisyal para makapaglabas ng pondo at idadaan pa ito sa hearing.
Giit ni Tolentino, dapat amyendahan ang probisyong ito sa Omnibus Election Code, upang agad na maihatid ang ayuda sa mga biktima ng kalamidad.
Dagdag ni Tolentino, kapag nagdeklara ng state of national calamity, bukod sa pwedeng gamitin ang calamity fund, magkakaroon din ng price freeze o mapapako ang presyo ng mga pangunahing bilihin at maaaring makapagbigay ng mga pautang na walang interes sa mga apektado ng El Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.