Manhunt ops, ikakasa vs NPA na responsable sa pagsabog sa Masbate

By Angellic Jordan June 07, 2021 - 03:35 PM

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng pursuit operations laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na responsable sa pagsabog sa Masbate.

Sinasabing isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa bahagi ng Barangay Anas na naging dahilan ng pagpanaw ng football player ng Malaya Football Club at Far Eastern University (FEU) na si Kieth Absalon, 21-anyos, at kaniyang pinsan.

“Again, lives were lost because of the hostile acts of this communist terrorist group. Iyong isa sa mga inosenteng sibilyan na naging biktima ng pagsabog, si Keith Absalon, malayo pa sana ang mararating kungdi dahil sa mga teroristang NPA,” pahayag ni Eleazar.

“Mariin naming kinokondena ang pambibiktima ng NPA sa mga inosenteng sibilyan at hindi kami titigil sa pagtugis sa mga teroristang ito,” dagdag nito.

Nagparating ng pakikiramay si Eleazar sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Samantala, pinahigpitan ng hepe ng PNP sa lokal na pulisya ang police visibility sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

“I am directing all police personnel, particularly in NPA-infested areas, to be on high alert and undertake target hardening measures for possible future attacks by these communist terrorists,” saad ni Eleazar.

Nagbaba rin ng direktiba ang PNP Chief sa lokal na pulisya na makipag-ugnayan sa militar para sa ilulunsad ng manhunt operations laban sa mga suspek.

“Hindi po kami titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga inosenteng nasawi at nasugatan sa pagsabog na ito,” pagtitiyak pa nito.

TAGS: Inquirer News, Keith Absalon, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Keith Absalon, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.