P4-M halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat, unang idineklara bilang paper hand towel
Nasamsam ng Bureau of Customs Port of NAIA ang 2,520 reams ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon.
Unang idineklara ang shipment bilang “Paper Hand Towel” bound for Australia.
Base sa record, balak sanang i-export ng isang lokal na kumpanya mula sa Novaliches, Quezon City ang mga sigarilyo sa South Geelong Victoria, Australia.
Sa isinagawang physical examination ng nakatalagang Trade Control Examiner, sa halip na paper hand towels, mga sigarilyo ang nakita sa shipment.
Naglabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa shipment dahil sa posibleng paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration) at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) na may kinalaman sa Section 117 (Regulated Importation and Exportation) ng Customs Modernization and Tariff Act, CMC No. 167-2020, Memorandum Circular No. 003 series of 2019 ng National Tobacco Administration at RMO 38-2003 ng Bureau of Internal Revenue.
Dadalhin din ang case records sa Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) para sa posibleng case building at profiling laban sa mga indibiduwal na nasa likod ng illegal exportation ng tobacco products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.