Lightning Red Alert, itinaas sa NAIA

(UPDATED) Naglabas ng lightning advisory ang PAGASA sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Lunes ng hapon (June 7).

Itinaas ang Lightning Red Alert sa NAIA bandang 2:14 ng hapon.

Nakaranas kasi ng malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng naturang paliparan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng NAIA.

Ibinaba naman sa Lightning Yellow Alert dakong 2:48 ng hapon kung kaya balik na ang flight operations sa nasabing paliparan.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng NAIA

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update.

Read more...