‘Psychologial report sa annulment case ni Mayor Duterte, bahala na ang mga botante na magsuri’ -VP Binay

VP BINAY AT PAO'S FORUM / OCTOBER 14, 2014VP BINAY AT PAO'S FORUM / OCTOBER 14, 2014

Ipinaubaya ni presidential candidate Vice President Jejomar Binay sa mga botante ang psychological report na ginamit sa annulment case ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Binay, hindi mandatory ang pagsumite ng medical certificate at kahit may psychological disorder ay hindi ito magiging ground for disqualification.

Sinabi ni Binay na hayaan umanong iwan sa judgement at pagsusuri ng mga botante ang physical at mental case ni Duterte.

Nakasaad sa psychological report, na naging basehan ng annulment ng kasal ni Duterte sa una nitong misis na si Elizabeth Zimmerman noong 2000, na si Duterte ay may “narcissistic personality disorder” o “extreme self-conceit.”

Lumabas pa sa assessment na may tendency si Duterte na mag-alipusta, manghiya at lumabag sa karapatan at nararamdaman ng tao.

Hirap din ang alkalde na kontrolin ang urge at emosyon nito.

Sinabi ni Binay na panahon na para sumailalim ang mga kandidato sa medical exam at psychological test.

Gayunman, mas nakakaalarma aniya ang pagkakasangkot ni Duterte sa extrajudicial killings kaysa psychological capacity nito.

“I think it’s high time…siguro tama naman ‘yun. Kasi biruin mo naman, hindi mo nire-reveal na may sakit ka, eh sayang naman ‘yung botong ibinigay sa’yo,” ani Binay.

Read more...