Security audit sa Dito Telecom hiniling matapos ang US ‘blacklisting’ sa Chinese companies
Muling nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa National Secuirity Council (NSC) ng security audit sa Dito Telecommunity, ang third major telco sa bansa.
Kasunod ito ng pagpapalawig ng US ng ‘blacklisted’ Chinese companies at kabilang ang China Telecom, na pag-aari ang 40 porsiyento ng Dito.
Ginawa ng US ang hakbang sa paniniwala na ang mga sinasabing kompaniya sa China ay pinaniniwalaang nagsusuplay ng gamit-pandigma sa Chinese military.
Ayon kay Hontiveros hindi na dapat ipagtaka ang pagkakasama ng China Telecom dahil aniya ito ay pag-aari at kontrolado ng gobyerno ng China.
“Let’s also not forget that under China’s National Intelligence law, Chinese corporations are obliged to support intelligence-gathering efforts. China also has a Chinese Counter-Espionage law, which forbids Chinese companies from refusing to assist their government in surveillance work,” paliwanag ni Hontiveros.
Diin niya kinakailangan na protektahan ng gobyerno ang pambansang interes at seguridad ng Pilipinas.
Paalala ng senadora, ang isyu sa pambansang seguridad ang dahilan kayat kabilang siya sa tumutol sa pagbibigay ng prangkisa sa Dito at ito rin ang dahilan kayat nais niyang mabusisi ang pagpayag ng gobyerno na maglagay ng communication tower ang telco sa mga kampo ng AFP.
Puna pa ni Hontiveros patuloy na isinasantabi lang ng gobyerno ang kanyang mga panawagan para sa security audit sa Dito sa hindi pa malinaw na kadahilanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.