Ilang kalihim na imbitado sa pagdinig sa Kidapawan dispersal, no show sa Senado
Hindi nakapagpigil si Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile na mabuwisit sa pagbubukas ng pagdinig ng Justice and Human Rights hinggil sa marahas na dispersal ng mga magsasaka sa Kidapawan City.
Ito ay matapos na hindi magpakita ang mga kalihim ng pamahalaang Aquino na imbitado sa pagdinig.
Kabilang sa imbitadong kalihim sina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Senen Sarmiento, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Corazon Soliman, Department of Budget and Management (DBM) Sec. Florencio Abad, Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala at Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Lazo Singson.
Ang mga nasabing mga kalihim ay nagpadala lamang ng mga kinatawan para sila ang sumagot sa mga tanong ng mga senador.
Ayon kay Enrile, masyado bang abala ang mga kalihim sa pagresolba ng problema ng estado kung kaya hindi sila makakadalo.
Lalo lamang nagpagalit kay Enrile ang katwiran ng kinatawan nina Sec. Sarmiento, Sec. Alcala at maging ni Sec. Singson na may urgent meeting ang mga kalihim.
Habang nasa Mati Davao Oriental naman si Sec. Soliman para tutukan ang problema ng El Niño sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.