LGUs hiniling ni Sen. Bong Go na madaliin na ang pagbakuna sa A1-A3 groups

By Jan Escosio June 07, 2021 - 10:52 AM

Ngayon sinimulan na ang pagbakuna sa mga essential workers sa A4 priority group, hiniling ni Senator Christopher Go sa mga lokal na pamahalaan na dalhin na sa mga medical frontliners, senior citizens at may comorbidities ang COVID 19 vaccines.

Paliwanag ni Go, sa ganitong paraan ay mapapabilis na ang vaccination rollout maging sa mga susunod na priority groups.

Aniya kung kinakailangan ay dagdagan pa ng LGUs ang vaccination sites para mas marami ang mabakunahan.

“Kung kailangan na puntahan mismo sa mga bahay ang mga matatanda at may comorbidities ay gawin na dapat agad,” bilin ng senador.

Kasabay nito, muli din sinabi ng senador na paigtingin pa ang vaccine awareness campaign para mas marami ang mahikayat na magpaturok na ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.

Gayundin, hinakayat niya ang mga nasa priority groups na alisin na ang kanilang pangamba sa bakuna at aniya ang dapat katakutan ay ang COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.