P2.4M halaga ng marijuana bricks nakumpiska ng PDEA sa buy-bust operation

PDEA PHOTO

Agad inaresto ang dalawang lalaki nang pagbentahan nila ng marijuana ang isang ahente ng PDEA sa buy-bust operation sa Tarlac City, araw ng Linggo.

Base sa ulat ni PDEA Central Luzon Dir. Christian Frivaldo, nakilala ang dalawang naaresto na sina Julius Castro, 24 at John David Tapar, 28, kapwa ng Tarlac City.

Ayon kay Frivaldo nakipag-transaksyon ang dalawa sa kanyang mga ahente kayat ikinasa ang operasyon.

Nakuha sa kanila ang 20 marijuana bricks na nagkakahalaga ng higit P2.4 milyon, gayundin ang isang Ford Ranger truck.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...