Filipina – Japanese golfer Yuka Saso naghari sa 2021 US Women’s Open

By Jan Escosio June 07, 2021 - 10:05 AM

 GETTY IMAGES – AFP / PHILIPPINE DAILY INQUIRER

Matapos maipasok ang bola sa 3rd playoff hole sa pamamagitan ng birdie, nakuha na ni Filipina – Japanese golfer Yuka Saso ang 2021 US Women’s Open sa Olympic Club sa San Francisco, California.

 

Tinalo niya si Japanese golfer Nasa Hataoka.

 

Nakabawi ang 19-anyos na si  Saso mula sa dalawang maagang double bogeys sa pamamagitan ng birdies sa 16 at 17 para sa kabuuang 280 sa 72 holes.

 

Napantayan niya ang record ni South Korean Park In-bee bilang pinakabatang nag-kampeon sa kasaysayan ng US Women’s Open.

 

Sa kanyang pagkakapanalo, si Saso ang kauna-unahang Filipino na nag-kampeon sa torneo at nakakuha ng LPGA membership.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.