Online fun run para sa batas at katarungan isasagawa ng IBP Cebu City

By Erwin Aguilon June 06, 2021 - 12:53 PM

Hindi handlang para sa Integrated Bar of the Philippines – Cebu City Chapter ang nararanasang pandemya dulot ng COVID-19 upang ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya para sa batas at hustisya.

Ayon kay Atty. Michelle Mendez – Palmarez, presidente ng IBP Cebu City, isang online fun run ang kanilang isasagawa sa July 15 hanggang 21 ng kasalukuyang taon para sa ika-500 taon ng pagdating ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Tinawag nila itong “The 1st Law and Justice Run 2021” na kauna-unahan sa kasaysayan ng samahan ng mga abogado sa bansa.

Sinabi ni Mendez-Palmarez na inspirasyon nila rito ang “Virtual Cebu Marathon” bilang paggunita sa ika-500 taon ng pagdating ni Ferdinand Magellan sa baybayin ng Mactan, Cebu nagdala ng Kristyanismo sa bansa.

“Since the pandemic last year and mass-based gatherings were not allowed, we have partnered with various groups to bring help to different communities and organized events and webinars for our member-lawyers to help overcome these challenging time,” saad ni Mendez-Palmarez.

Layon anya ng aktibidad na hindi lamang mapangalagaan ang kalusugan kundi upang maitaguyod ang batas at hustisya.

Dahil online, lahat anya ay maaring lumahok kahit nasaan ang mga ito sa daigdig.

Maari ayon kay Mendez-Palmarez na gawin ang pagtakbo, anumang oras o kahit saan mula July 15 hanggang 21.

Ang malilikom anyang pondo para sa proyekto ay gagamitin para sa “free legal aid programs” ng IBP Cebu City gayundin  para sa kanilang pagtulong sa mga bagong abogado at mga kukuha ng Bar Examinations.

Sa mga nagnanais lumahok maaring magparehistro simula June 8 hanggang July 13, 2021.

Ang mga sasali ay maaring tumakbo sa 3KM, 5KM, 10KM, 15KM at 21KM.

Para magparehistro magtungo lamang sa ibprun2021.myruntime.com.

 

TAGS: IBP Cebu City, law and justice, virtual fun run, IBP Cebu City, law and justice, virtual fun run

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.